Make your own free website on Tripod.com

.


Ka-Lahi Horoscopes

Select your sign?

<


         Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo.

         Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensiyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako. Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo na sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

         Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.

Sulat ni Tatay at Nanay
PCYA
We features Wedding/Organization Activities/Fiesta & an Individual>
>
This month:
Friendster: occidental21@yahoo.com
                   
  YM: occidental21

To All Mindoreños
Narito na po ulit ang ating homepageKalahi Lets talk sa "Kuwentuhan Corner" ng ating hompage

Sa gustong magpalagay ng kanilang Advertisements or Organizations activities or ifeature some events, pls msg me na lang po sa friendster account natin, occidental21@yahoo.com.Thanks



Ngayon, pwede na po kayong bumati o magbigay ng inyong birthday wish sa mga mga friends o kakilala nyo.
Punta lang po kayo sa Happy Bday na link.Salamat po!

************

Sa YSPEAK, makisali at makipagdebate sa mga napapanahong isyu! Tara na!
************



PAALALA!
Sa LAHAT po, sana po kung wala kayong masasabing di maganda huwag naman ninyong isulat na.Pakimsg na lang sa friendster account natin.At pakiusap wag kayong gumamit ng masamang salita. Salamat po sa suporta!
************



LIMITED
SLOTS

************

So Place Your Ads Now







Copyright (c) 2008 Ka-Lahi, All Rights Reserved April 11, 2008
" "
kamusta
Ginawa po ang homepage na ito upang magkaroon lamang po tayo ng communication at balita sa ating probinsya.
Email Us: occidental21@yahoo.com

Guestbook
Usapang Mindoro
Bday of the Month
Youth Speak
Talasalitaan
Pasyal Tayo
Ka-Lahi Forum
Ka-Lahi Menu
Ka-Lahi Menu
Occ. Mdo Towns
Occ. Mdo Towns
Pakikipagsapalaran sa Ibayong Dagat!
Buhay Sa Disyerto!
Kuwento ng Buhay Mag-aaral
Please SIGN UP in our Guestbook & Who's APRIL CELEBRANT@ Bday of the month link
Map of Mindoro
Magsaysay
Abra
Calintaan
Looc
"
Lubang
Mamburao
Paluan
Sablayan
San Jose
Sta Cruz
Calawagan Pool
Calawagan Hanging Bridge
Be One of Us
Kanto Teens
Vote Now
Gallery
Friendster
Ka-lahi Group
Others
l
l
l
l
l
l
l
l